
Bilang pagbibigay pugay sa wikang Filipino at sa mayaman nitong kultura, opisyal na inilunsad ng Kapisanang Filipino katuwang ang Departamento ng Filipino at ang Kolehiyo ng Malalayang Sining ang month-long na paggunita sa Buwan ng Wika alinsunod sa tema para sa taong ito, “Filipino: Wika ng Karunungan”.
Binigyang-diin ng Panauhing Tagapagsalita, ang Education Program Supervisor ng Departamento ng Edukasyon, Dr. Hilda B. Frando ang paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik lalo’t halos lahat ng mga thesis at disertasiyonon ay nakasulat sa wikang Ingles. Isa umano ito sa mga kadahilanan ng dahan-dahang pagpigil sa pagkaunlad ng ating wika.
Kabilang sa mga naroroon sa pambungad na programa ay ang Presidente, Dr. Milabel Enriquez-Ho, Bise Presidente para sa Academic Affairs, Dr. Ma. Carla A. Ochotorena, Bise Presidente para sa Administration and Finance, Dr. Joselito D. Madroñal, Bise Presidente para sa Research, Extension Services and External Linkages, Dr. Chona Q. Sarmiento, Bise Presidente para sa Resource Generation, Dr. Teresita Narvaez, mga Direktor, Dekano at mag-aaral nitong Unibersidad.
Iba’t-ibang patimpalak ang nakatakda para sa buwang ito, ito ay ang mga sumusunod:
Petsa | Oras | Lugar | Gawain | Punong-abala |
August 10, 2016 | 8:00 am | CLA 13 & 14 | Lektura/ Simposyum | Prof. Sylvia Musa
Guro, ZSCMST Prof. Nena C. Abdurajak |
August 16, 2016 | 8:00 am
1:30 pm |
CLA 13 & 14
CLA 13 & 14 |
Pagsulat ng sanaysay
Dagliang Talumpati |
Bb. Hanna L. Drapeza
Prof. Jane O. Villacin Opisyales ng KAFIL Bb. Kenneth Marin Prof. Nena Abdurajak Opisyales ng KAFIL |
August 18, 2016 | 9:00 am | Law Auditorium | Inter-School Kompetisyon Pagsulat ng Sanaysay (Tersyarya) | SWK & Filipino Dept.
Opisyales ng KAFIL |
August 20, 2016 | 1:00 pm | CLA 13 & 14 | Masining na Pagkukwento | Bb. Girlie Cortes
Prof. Sarah C. Garcia Opisyales ng KAFIL |
August 22-31, 2016 | CLA, Open Stage | Eksibit | Filipino Dept. SWK
ABFIL IV/KAFIL |
|
August 24, 2016 | 1:00 pm | Social Hall | Katutubong Sayaw | Bb. Mishel Buendia
Bb. Charish Cordovero Dr. Felixberto Labastilla |
August 31, 2016 | 8:00 am | Social Hall | Culminating program | Prof. Jane O. Villacin
Bb. Hanna Drapeza Opisyales ng KAFIL |